Ang mga fee sa calculator na ito
| Bansa | Bawat family member, kada taon | One-time fees | Minimum na sahod |
|---|---|---|---|
| Kuwait | Residence 20 KWD (magulang 300 KWD) + health insurance 100 KWD | — | 800 KWD |
| Qatar | Residence permit 500 QAR + health card 100 QAR | Entry visa 200 QAR, medical test 100 QAR | 10,000 QAR, o 6,000 QAR kung may housing |
| Oman | Resident card 5 OMR kada taon | Family joining visa mga 30 OMR | Alamin sa Royal Oman Police |
| Bahrain | Residence permit 95 BHD bawat application | ID card (CPR) 10 BHD | 400 BHD (1,000 BHD para sa magulang) |
Itinaas ng Kuwait ang residence at health fees noong December 2025. Mula September 2026, required sa Bahrain ang health insurance para sa buong panahon ng permit. Puwede nang i-issue sa Oman ang resident card nang hanggang 10 taon.
Halimbawa
Kuwait, asawa at 2 anak, isang taon
Mga 360 KWD kada taon.
Mga madalas itanong
Sino ang nagbabayad ng residence fees ng pamilya ko?
Ang manggagawa ang nagbabayad para sa pamilya niya. Ang employer ang nagbabayad ng sariling residence at work permit ng manggagawa.
Bakit napakamahal sa Kuwait para sa mga magulang?
Mula December 2025, 300 KWD kada taon ang residence fee para sa mga magulang at ibang kamag-anak, dagdag ang 100 KWD na health insurance, at bihirang maaprubahan ang bagong residence para sa magulang.
Kailangan ba ng health insurance ang pamilya ko?
Sa Kuwait, kasama na sa residence ang bayad sa health fee. Sa Qatar at Bahrain, kailangan ng pamilya mo ng health insurance; nakadepende ang presyo sa plan, kaya ilagay ito sa form.
Huling na-review: October 2026. Nagbabago ang fees ayon sa desisyon ng gobyerno. I-check ang final na halaga sa Sahel (Kuwait), Metrash2 (Qatar), ROP (Oman) o LMRA (Bahrain). Tantiya lang ito.
Isinalin ang page na ito mula sa Arabic. Kung may hindi malinaw o mali, pakisabi lang sa amin.