Ang batas sa likod ng calculator na ito
| Saudi Arabia | UAE | |
|---|---|---|
| Normal na oras | 8 oras bawat araw o 48 bawat linggo; 6 bawat araw tuwing Ramadan para sa mga Muslim | 8 oras bawat araw o 48 bawat linggo |
| Overtime pay | Hourly wage + 50% ng basic hourly wage | Basic hourly wage + 25% |
| Trabaho sa gabi (10 pm hanggang 4 am) | Parehong rate | Basic hourly wage + 50% |
| Rest day o public holiday | Binibilang bilang overtime | Kapalit na day off, o basic wage + 50% |
| Limit | 720 overtime hours bawat taon, maliban kung pumayag ka sa mas marami | 2 overtime hours bawat araw |
Sa Saudi Arabia, mula 2025 puwedeng bigyan ka ng employer ng paid time off sa halip na overtime pay kung pumayag ka: hindi bababa sa isa’t kalahating oras na pahinga sa bawat overtime hour.
Mga halimbawa
Saudi Arabia: basic 4,000 SAR, allowances 1,000 SAR, 10 overtime hours
Dapat kang bayaran ng 291.67 SAR.
UAE: basic 3,000 AED, 10 overtime hours, 4 dito ay sa gabi
Dapat kang bayaran ng 168.75 AED.
Mga madalas itanong
Sa basic salary ba o sa buong sahod kinukuwenta ang overtime?
Sa Saudi Arabia, ginagamit ng Ministry of Human Resources ang hourly wage dagdag ang 50% ng basic hourly wage, kaya parehong kasama. Sa UAE, basic salary lang ang ginagamit ng batas.
Paano kinukuwenta ang hourly wage?
Ang karaniwang paraan: hatiin ang buwanang sahod sa 30 araw, tapos sa oras ng trabaho bawat araw: 8 oras, o 6 tuwing Ramadan sa Saudi Arabia.
Puwede bang tumanggi ang employer na bayaran ang overtime ko?
Hindi, kung nagtrabaho ka ng mga oras na iyon dahil inutos ng employer. Itala ang mga oras mo at hilingin na nakalagay ito sa payslip mo. Sa UAE, karaniwang walang overtime pay ang mga manager at supervisor.
Paano kung nagtrabaho ako sa Eid?
Sa Saudi Arabia, bayad bilang overtime ang mga oras. Sa UAE, bibigyan ka ng ibang day off, o ng normal mong sahod dagdag ang hindi bababa sa 50% ng basic pay mo para sa araw na iyon.
Huling na-review: October 2026. Puwedeng mas malaki ang ibinibigay ng contract mo kaysa sa batas. Tantiya lang ang calculator na ito at hindi ito legal advice.
Isinalin ang page na ito mula sa Arabic. Kung may hindi malinaw o mali, pakisabi lang sa amin.